Maaring Gumamit ng mga Dayuhang Tripulante bilang mga Opisyal sa Pangisdaan at Inhinyeriyang Pangkaragatan
Post Update by i-edit on 2022-11-21 15:17:59
Fisheries Agency, Council of Agriculture, Executive Yuan
Update 2022-11-22
Update 2022-11-22
Ang mga dayuhang tripulante na nagtatrabaho sa mga may-ari ng sasakyang pangisda ay orihinal na maaari lamang magtrabaho bilang ordinaryong tripulante. Nais makipagtulungan ng Fisheries Agency sa Executive Yuan na maipalaganap ang patakarang mag-retain ng mga dayuhang intermediate-level skilled workers. Dahil dito, binago ang batas upang payagan ang mga may-ari ng sasakyang pangisda na magrekomenda ng mga dayuhang tripulante na lumahok sa first class engineer, second class officer, at second-class engineer officer at ibang propesyonal na pagsasanay para sa opisyal ng mga tripulante, upang maging kwalipikado na makakuha ng sertipiko ng pagsasanay ng opisyal ng mga tripulante, maliban sa pagiging kapitan. Sa paraang ito, mapapanatili ang mataas na kalidad ng mga dayuhang tripulante na magiging opisyal ng mga tripulante at matiyak rin ang patuloy na pag-unlad ng pangisdaan ng Taiwan.
Ipinahayag ng Fisheries Agency na mula noong Marso 2022 kung saan unang tinangkang isagawa ang pakikilahok ng mga senior na dayuhang tripulante sa pagsasanay sa opisyal ng mga tripulante, sa pakikipagtulungan sa Ministeryo ng Paggawa na mag-retain ng pangmatagalang talento, binago at inalabas ang “Mga Batas sa Pangangasiwa ng mga Tripulante sa Sasakayang Pangisda”. Ang batas na ito ay pinapahintulutan ang mga may-ari ng sasakyang pangisda na magrekomenda ng dayuhang tripulante na lumahok sa propesyonal na pagsasanay para sa mga opisyal ng mga tripulante ng sasakyang pangisda. At matapos makumpleto ang pagsasanay, ang mga dayuhang tripulante na umabot sa tukoy na karanasan sa pagtatrabaho sa sasakyang pangisda, ay maaaring italaga bilang panimulang antas at mga opisyal sa pangingisda at inhinyerang marino at maaaring linangin na patuloy na sumailalim sa pagsasanay para sa mga senior na opisyal ng mga tripulante.
Ipinaliwanag pa ng Fisheries Administration na ang mga salik para mairekomenda ng mga may-ari ng sasakyang pangisda ang mga dayuhang tripulante na tumanggap ng pagsasanay ay kinakailangang nakapagtrabaho sila sa isang Taiwanese na sasakyang pangisda nang higit sa dalawang taon at may kakayahang makipag-usap sa Tsino o Taiwanese, o nakapasa sa panimulang antas o mas mataas pa sa National Chinese Proficiency Test at nakapagtrabaho nang higit sa isang taon sa sasakyang pangisda ng Taiwan. Kung ganoon, maaaring irekomenda sila ng may-ari ng sasakyang pangisda sa kinabibilangan nilang samahan o asosasyon ng industriya ng pangingisda sa malayong karagatan para lumahok sa pagsasanay sa opisyal ng mga tripulante.
Sa huli, ipinahayag ng Fisheries Agency na ang mga dayuhang tripulante ay kinikilalang pangunahing lakas paggawa ng industriya ng pangingisda sa Taiwan nitong mga nakaraang taon. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga dayuhang opisyal ng mga tripulante, madagdagan ang mga talento sa Taiwan. Sa hinaharap, ang Fisheries Agency ay patuloy na magpapahusay sa propesyonal na kaalaman ng mga dayuhang tripulante at palalakasin at ipagpapabuti ang kapaligiran ng pangingisda sa Taiwan.
Sagot sa Mga Katanungan para sa mga Dayuhang Tripulanteng Lalahok sa Pagsasanay Para sa Opisyal ng mga Tripulante
Makipagkontak kay: Deputy Director Wang Zhifang
Cellphone: 0937894729
- Naka-tag ang artikulong ito:
- Nakaraang artikulo sa kategoryang ito:Sagot sa Mga Katanungan para sa mga Dayuhang Tripulanteng Lalahok sa Pagsasanay Para sa Opisyal ng mga Tripulante
- Susunod na artikulo sa kategoryang ito: Ang pagiging ganap na nabakunahan ay nagpapalaki ng proteksyon laban sa COVID-19
- Nakaraang:Sagot sa Mga Katanungan para sa mga Dayuhang Tripulanteng Lalahok sa Pagsasanay Para sa Opisyal ng mga Tripulante
- Susunod: Ang pagiging ganap na nabakunahan ay nagpapalaki ng proteksyon laban sa COVID-19