Dayuhang Tripulante dumalo sa pagdiriwang sa pagpapalitan ng kultura at karapatan sa paggawa
Post Update by i-edit on 2022-03-01 16:07:45
Upang higit na maunawaan ang kultura ng mga dayuhang tripulante na nagtatrabaho sa mga sasakyang pangingisda ng Taiwan, matulungan silang makapamuhay sa ibang bansa at mapalawak ang kanilang pag-unawa sa kagalingan at karapatan ng mga tripulante, inilunsad ang pagtitipon noong ika-10 ng Nobyembre, 2019 sa Daungan ng Pangingisda sa Keelung Badouzi sa pangunguna ng Ahensiya ng Pangingisda, Lokal na Pamahalaan ng Keelung at Asosasyon ng mga Mangingisda sa Keelung. Naghanda ang Ahensiya ng Pangingisda at mga nag-host ng mga gawain at pagtatanghal at naghain ng mga lutuing mula sa pinagmulang bayan ng mga tripulante upang matamasa ng mga kalahok ang isang araw ng pagpapahinga at pagpapalitan ng kultura.
Inilahad ng Ahensiya ng Pangingisda na marami sa mga dayuhang tripulante ang hindi pa nauunawaan ang kanilang karapatan sa paggawa dahil sa mga balakid na kultural at lenggwahe o sa kakulangan ng kaalamang legal. Kung kaya, dagdag sa pagpapadaloy ng ugnayan sa pagitan ng mga tripulante, isa sa pangunahing layunin ng pagtitipon ay mapahusay ang pag-unawa ng mga dayuhang tripulante sa kanilang karapatan. Nagsimula ang pagtitipon sa isang panalangin para sa lahat ng tripulante, sa pamumuno ng spiritual guide ng Islam, na sinundan ng mga pag-awit at pagsayaw ng mga dayuhang tripulante.
Lumahok sa pagdarasal ang Acting Director General ng Ahensiya ng Pangingisda na si Mr Chih-Sheng Chang, tumikim ng mga tradiyonal na pagkain mula sa bansang pinanggalingan ng mga tripulante, at nakipag-usap sa mga kalahok. Ilan sa mga dayuhang tripulante ang nagpahiwatig nang kakulangan ng lugar upang ilagak ang kanilang mahahalagang gamit at pasaporte habang nagtatrabaho sila lulan ng barko at inaasam nilang magkaroon ng ligtas na mapaglalagakan sa kati. Nagtaya si Acting Director General Chang na hihilingin niya sa Asosasyon ng Mga Mangingisda sa Keelung na magtayo ng paglalagakan o locker sa sandaling makapagtukoy ng angkop na lugar.
Inilahad ng Ahensiya ng Pangingisda na, dahil sa pagtitipong nagaganap, maraming ahensya ng gobyerno at awtoridad ang nagkaroon din ng pagkakataon na itaguyod ang karapatan sa paggawa at pangangalaga sa karagatan, na may intensyong pahusayin ang pag-unawa ng mga dayuhang tripulante sa regulasyon at sustenableng paggamit ng rekursong pandagat ng Taiwan. Maliban sa pagtataguyod ng patakaran, mayroon ding libreng konsultasyong medical at serbisyo sa paggugupit sa pagdiriwang at nakatanggap ng regalo mula sa Ahensiya ng Pangingisda ang mga dayuhang tripulante na dumalo bilang tanda ng pagpapahalaga sa kanilang ambag sa industriya sa pangisdaan ng Taiwan.
Idiniin ng Ahensiya ng Pangingisda ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga dayuhang tripulante sa pangisdaan ng Taiwan, at napakahalagang mabigyang kalinga sila bilang mga katuwang sa trabaho. Magpapatuloy ang pamahalaan na regular na mabalikan ang mga mahahalagang regulasyon at patakaran sa pamamahala upang mapangalagaan ang karapatan sa paggawa, at patuloy ding mapahusay ang kondisyon sa paggawa at pamumuhay ng mga dayuhang tripulante.

- Naka-tag ang artikulong ito:
- Nakaraang artikulo sa kategoryang ito:Ipagdiwang ang Moon Festival, Matuto ng Pangunang Lunas (First Aid), Pagbutihin ang Pagiging Mapagkumpitensya ng Dayuhang Tripulante Para sa Tinitiyak na Kaligtasan sa Operasyon
- Susunod na artikulo sa kategoryang ito:Ang pagdiriwang ng Ahensiya ng Pangingisda sa pagtatapos ng taon ang nagpainit sa puso ng mga dayuhang tripulante
- Nakaraang:Ipagdiwang ang Moon Festival, Matuto ng Pangunang Lunas (First Aid), Pagbutihin ang Pagiging Mapagkumpitensya ng Dayuhang Tripulante Para sa Tinitiyak na Kaligtasan sa Operasyon
- Susunod:Ang pagdiriwang ng Ahensiya ng Pangingisda sa pagtatapos ng taon ang nagpainit sa puso ng mga dayuhang tripulante