Pagpupulong ng Taiwan-Estados Unidos sa Paggawa sa Dagat Palitan ng Dalawahang-Panig sa Mga Istratehiya sa Pagpapabuti ng Pangingisda at Karapatang Pantao
Post Update by i-edit on 2021-12-09 16:52:42
Ang "Pagpupulong ng Taiwan-Estados Unidos sa Paggawa sa Dagat " ay ginanap noong umaga ng Ika-28 ng Oktubre, oras sa Taipei. Nagpalitan ng impormasyon ang dalawang pamahalaan tungkol sa pamamahala ng mga kondisyon sa pagtatrabaho para sa mga manggagawang pandagat. Ipinakilala rin ng panig ng Estados Unidos ang legal na batayan nila sa pagpapatupad ng proteksyon sa karapatang pantao ng mga tripulanteng mangingisda at pagsugpo sa pangangalakal ng tao. Sa nasabing pulong, nagkaroon ng mainit na talakayan at palitan ng pananaw ang dalawang panig. Magsisilbing sanggunian ang mga opinyon ng panig ng Estados Unidos para sa Taiwan upang patuloy na mapabuti ang mga kondisyon sa pagtatrabaho at mga karapatan at interes ng mga dayuhang marino. Nagpapasalamat din kami sa Kagawaran ng Paggawa at ang tanggapan ng kinatawan sa Estados Unidos para sa kanilang masigasig na tulong para i-organisa ang kumperensiya.
Ayon sa Ahensiya ng Pangingisda, ang pagpupulong na ito ay pinamunuan ng Kagawaran ng Paggawa ng Estados Unidos, Kagawaran ng Paggawa ng Taiwan at ng Ahensiya ng Pangingisda. Ang Ahensiya ng Pangingisda ay patuloy na nagsusumikap na pabutihin ang karapatan at benepisyo ng mga dayuhang marino mula noong 2017 sa paglabas ng “Lisensya at Pamamaraan ng Pamamahala sa mga Hindi Taiwanese na Dayuhang Marino” na alinsunod sa Mga Regulasyon sa Pangingisda sa Malayong Karagatan. Kabilang dito ang pagsangguni sa mga pamantayan sa oras ng pahinga na batay sa Work in Fishing Convention ng United Nations (C-188 Convention), na nagpapatupad ng mga pamantayang kontrata upang matiyak ang sahod at seguro ng mga dayuhang marino, pagpapatupad ng pagsusuri sa pamamahala ng ahensiya, at pagrerebisa ng mga abiso na may kaugnayan sa mga pamamaraan ng pangangalakal ng tao, pagpapalakas ng inspeksyon at pagbisita sa mga marino sa mga pantalan sa loob at labas ng Taiwan, at pagpaparusa sa mga may-ari ng sasakyang pangisda na lumalabag sa mga regulasyon, upang patuloy na mapabuti ang mga karapatan at benepisyo ng mga dayuhang marino sa mga sasakyang pangisda sa malayong karagatan. Sa pulong, ipinaliwanag sa Estados Unidos na upang mapabuti ang mga karapatan at benepisyo ng mga dayuhang marino, ang Ahensiya ay patuloy na nagsusumikap na abutin ang layunin. Nagplano na ito na taasan ang bilang ng tauhan at pondo para sa "pagpapatupad ng mga kondisyon sa paggawa", "pagpapalakas ng mga kondisyon ng pamumuhay at seguridad sa lipunan" , "pagpapalakas sa pamamahala ng mga ahensya", "pagpapalakas ng kakayahan sa mekanismo ng pagsubaybay at pamamahala", "pagpapalakas ng pamamahala sa mga napapakinabangang mga barko", "pagtatatag at pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyon", "pagsusulong ng partnership para sa ikabubuti ng lahat" at iba pang pitong istratehiya sa pagharap at bukod-tanging proyekto, upang pataasin ang bilang ng inspeksyong nasasagawa, at maprotektahan ang karapatan ng mga dayuhang marino. Kung kaya’t patuloy itong nangongolekta ng mga opinyon ng taga-industriya at mga di-pampamahalaan na grupo sa iba’t ibang pagpupulong.
Sa huli, sinabi ng Ahensiya na sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, maaari ring matuto ang Taiwan mula sa karanasan o mga gawi ng Kagawaran ng Paggawa ng Estados Unidos, at magkaroon rin ng pagkakataon ang Estados Unidos na malaman ang mga reporma at pagpapatupad ng Taiwan sa pagpapabuti ng proteksyon sa karapatang pantao ng mga tripulante sa pangingisda. Sa hinaharap, patuloy kaming makikipag-ugnayan sa panig ng Estados Unidos sa pamamagitan ng representative office ng Taiwan sa Estados Unidos upang magtulungan sa isyung ito, umaasang parehong makikinabang ang mga taga-industriya at ang mga karapatan at interes ng mga marino.
Makipagugnayan kay: Deputy Director Lin Guoping
Mobile No.: 0988678051

- Naka-tag ang artikulong ito:
- Nakaraang artikulo sa kategoryang ito: Ang pagiging ganap na nabakunahan ay nagpapalaki ng proteksyon laban sa COVID-19
- Susunod na artikulo sa kategoryang ito:Proteksyon sa mga Karapatan at Interes ng mga Dayuhang Marino na Nagtatrabaho sa mga Sasakyang Pangisda sa Malayong Karagatan sa Taiwan
- Nakaraang: Ang pagiging ganap na nabakunahan ay nagpapalaki ng proteksyon laban sa COVID-19
- Susunod:Proteksyon sa mga Karapatan at Interes ng mga Dayuhang Marino na Nagtatrabaho sa mga Sasakyang Pangisda sa Malayong Karagatan sa Taiwan