Proteksyon sa mga Karapatan at Interes ng mga Dayuhang Marino na Nagtatrabaho sa mga Sasakyang Pangisda sa Malayong Karagatan sa Taiwan
Post Update by i-edit on 2021-10-07 11:38:20
I. Ang "Mga Panukala para sa Permit at Pamamahala ng Pagkuha ng Dayuhang Marino na hindi galing ng Taiwan" ay nagkabisa noong Enero 20, 2017. Ang mga sumusunod na probisyon ay may kaugnayan sa pagprotekta sa mga karapatan at interes ng mga dayuhang marino:
1. Ginagarantiya na ang buwanang suweldo ng mga dayuhang marino ay hindi bababa sa US$450.
2. Kinakailangang kumuha ng seguro sa aksidente, seguro sa medikal at pangkalahatang seguro sa kamatayan para sa bawat dayuhang marino. Ang kabuuang halaga ng seguro sa kamatayan ay hindi dapat bababa sa NT$1 milyon o katumbas nito sa dayuhang pera.
3. Ang bilang ng oras sa pahinga ng mga marino sa loob ng isang araw ay hindi dapat bababa sa 10 oras, at ang buwanang pahinga ay hindi dapat bababa sa 4 na araw. Gayunpaman, dahil sa pangangailangan ng trabaho, maaaring magkasundo ang dalawang panig tungkol sa kapalit na ibang araw ng pahinga.
4. Direktang ibibigay ang buong sahod sa mga dayuhang marino, maliban kung ito ay itinakda ng batas o kung may ibang pinagkasunduan ang dalawang panig.
5. Dapat tiyakin ng may-ari ng barko na ang mga dayuhang marino ay nagtatamasa ng parehong mga benepisyo at proteksyon sa paggawa para sa parehong posisyon o trabaho.
6. Ang mga may-ari ng barko ay hindi dapat mag-empleyo ng mga dayuhang tripulante para magtrabaho sa iba pang mga sasakyang pangisda o lokasyon, o makisali sa ibang trabaho na walang kaugnayan sa pangingisda.
7. Dapat ibalik ng may-ari ng barko ang mga dayuhang marino sa kanilang bansang pinanggalingan sakaling hindi na makapaglayag ang barkong pangisda nito.
II. Magsasagawa ang Ahensiya ng Pangingisda ng inspeksyon kung ang may-ari ng barko ay sumusunod sa mga detalye ng kontrata sa paggawa:
1. Ang mga tauhan na nakatalaga sa mga pangunahing daungan para sa mga barkong pangisda ng Taiwan ay sisikapin maunawaan mula sa mga dayuhang marino at ng mga barkong pangisda na pumapasok sa daungan kung sila ay nakakaranas ng pang-aabuso o di-wastong pagbawas ng suweldo.
2. Umaakyat sa mga barko sa malayong karagatan upang siyasatin kung ang mga dayuhang marino na nagtatrabaho sa mga barkong pangisda ng Taiwan ay nakakaranas ng pang-aabuso o ng di-wastong pagbawas ng kanilang sahod.
3. Tuwing ang mga tauhan ay ipinapadala sa mga domestiko o dayuhang daungan para magsagawa ng inspeksyon ng pagdiskarga ng mga isada o paglipat ng mga kargamento, inaalam nila kung ang mga dayuhang marino ay nakakaranas ng pang-aabuso o ng di-wastong pagbawas ng kanilang sahod.
III. Mga Mekanismo para sa mga Hinaing at Pamamagitan sa mga Alitan:
1. Ang mga reklamo na inihain ng mga dayuhang tripulante tungkol sa mga hindi pagkakaunawaan sa paggawa, pagmamaltrato o personal na pinsala na kanilang natamo ay maaaring ihain sa pamamagitan ng 1955 Labor Complaint Consulting Hotline ng Kagawaran ng Panggawa o Ministry of Labor (para sa mga tatawag mula sa ibang bansa: +886-2-8073-3141).
2. Maaari rin itong isumite sa pamamagitan ng mga tanggapan ng ating embahada sa ibang bansa o sa pamamagitan ng mga tagamasid na ipinadala at mga tauhan na itinalaga sa naturang bansa ng gobyerno ng Taiwan.

- Naka-tag ang artikulong ito:
- Nakaraang artikulo sa kategoryang ito:Pagpupulong ng Taiwan-Estados Unidos sa Paggawa sa Dagat Palitan ng Dalawahang-Panig sa Mga Istratehiya sa Pagpapabuti ng Pangingisda at Karapatang Pantao
- Nakaraang:Pagpupulong ng Taiwan-Estados Unidos sa Paggawa sa Dagat Palitan ng Dalawahang-Panig sa Mga Istratehiya sa Pagpapabuti ng Pangingisda at Karapatang Pantao